Sabado, Hunyo 11, 2011

Ang Aking Mundong Ginalawan: Ang Aking Mundong Ginalawan

Ang Aking Mundong Ginalawan: Ang Aking Mundong Ginalawan: "Ang aking mundong ginalawan... Malupit, makasarili't makasalanan... Sa aking kamusmosan, pasan ko ang kalupitan, lumaki ako sa isang lansan..."

Huwebes, Hunyo 9, 2011

Ang Aking Mundong Ginalawan

Ang aking mundong ginalawan... Malupit, makasarili't makasalanan... Sa aking kamusmosan, pasan ko ang kalupitan, lumaki ako sa isang lansangan, maingay, madumi, mabaho, magulo... Yan ang aking tahanan, at dito umikot ang aking buhay.... Sa aking kamusmosan, wala akong nagawa kundi ang sumunod sa agos ng buhay... Lumipas ng lumipas ang mga panahon, ngaun, hindi ko na masasabing isa pa akong musmos na bata, ngunit heto pa rin ako't walang nagbago, nandito pa rin ako sa lansangan na akinang kinalakihan, gustuhin q man umalis o tumakas man lang sa aking buhay lansangan ngunit akoy walang magawa... Lumaki akong walang alam, isang mangmang na walang kwenta't walang silbi sa lipunan...

Makasirili....Makasarili ang mundong ito, ramdam ko ang pag iisa, walang kaibigan, walang pamilya... Minsan tuloy, napapaisip ako at tinatanong ko ang sarili ko, bakit ako nag iisa? Ni hindi ko man lang naramdaman kung papaano mahalin, sapagkat akoy namulat sa lansangan na walang nag alaga at nagparamdam ng pagmamahal... Akoy iniwan, napag-iwanan.... Masakit isipin ang mga bagay na ito, ramdam ko ang kawalan...

Lumipas na naman ang mahabang panahon, heto na ako ngayon, masaya, hindi nagugutom o nilalamig man lang... Pakiramdam ko, akoy lumulutang, ramdam ko ang saya sa aking katauhan... Walang sumasaging kalungkutan sa aking isipan... Tawa dito, tawa doon... hithit dito hithit doon.... Walang akong ibang mabatid kundi ang sarap... ang sarap! May mga tawa rin akong naririnig na lalong nakakapagdulot sa akin ng saya...hanggang sa......akoy tumumba, unti unting nawala ang aking kamalayan...bumagsak, masakit...ramdam ko ang aking pagkakabagsak sa kalsadang aking kinatatayuan....

Bigla akong my naulanigang ingay, at sabay nun ang buhos ng tubig sa aking mukha... pag mulat ko ng aking mga mata, laking gulat ko ng akoy nasa isang silid, nakatali ang aking mga kamay... My lumapit sa akin, hindi ko kilala, bigla niya akong hinampas ng baril, at sabay sabing isa daw siyang alagad ng batas na kumikitil ng mga taong lulong sa bawal na gamot.... Gusto kong tumayo, at gumanti sa hampas na kanyang ginawa sa akin ngunit nakatali ang aking mga kamay at para bang wala akong lakas upang manlaban....

Ilang sandali lng, pilit nila akong pinaluhod, hinampas uli ako ng baril sa mukha, hampas dito, suntok doon... Sipa dito, tadyak doon... Hanggang sa, namalayan ko na lang ang aking sariling nagmamakaawa na itigil na nila, ngunit hindi nila ako pinakinggan... At ng akoy halos wala ng malay, akoy pinagtulungang buhatin, at itapon sa isang lumang gusali sa lansangan na aking kinalakihan, at doon akoy iniwan... masakit... Masakit ang aking katawan, ngunit mas matinding kirot ng puso ko ang aking ramdam, luhang di mapigilan at patak nito'y nalasahan... Sa huling sandali ng aking paghinga, nasambit ko na... dito aq lumaki, nagkamulat, naghirap..Dito rin pala ako mawawalan ng buhay.....................